Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian
I
Sa kapanahunang ito, at sa gitna ninyo,
isasakatuparan ng Diyos
ang sumusunod na katunayan:
na bawat tao ay isasabuhay
ang mga salita ng Diyos,
maisasagawa ang katotohanan,
at taimtim na mamahalin ang Diyos;
na gagamitin ng lahat ng tao
ang mga salita ng Diyos bilang pundasyon
at bilang kanilang realidad,
at magkakaroon ng may takot sa Diyos na puso;
at na, sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga salita ng Diyos,
gagamit ang tao ng pangharing kapangyarihan
kasama ang Diyos.
Ito ang gawaing isasakatuparan ng Diyos.
II
Gumagamit ang Diyos ng mga salita
upang pamahalaan ang mga tao;
maganda ang iyong pakiramdam
kung kumakain at umiinom ka
ng mga salita ng Diyos,
at kung hindi, wala kang landas na susundan.
Ang mga salita ng Diyos ay
nagiging pagkain ng mga tao,
at ang puwersang nagtutulak sa kanila.
Sinasabi sa Bibliya na
“Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao,
kundi sa bawat salitang lumalabas
sa bibig ng Diyos”.
Ngayon, tatapusin ng Diyos ang gawaing ito,
at isasakatuparan Niya
ang katotohanang ito sa inyo.
Sa kapanahunang ito, mga salita
ang pangunahing ginagamit ng Diyos
upang pamahalaan ang lahat.
Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos,
hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao,
pagkatapos ay dinadala sa kaharian sa huli.
Tanging ang mga salita ng Diyos
ang makapagtutustos sa buhay ng tao,
at mga salita lamang ng Diyos
ang makakapagbigay sa tao ng liwanag
at isang landas para magsagawa,
lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian.
Basta’t hindi ka lumalayo
mula sa realidad ng mga salita ng Diyos,
at kumakain at umiinom ka
ng Kanyang mga salita araw-araw,
magagawa kang perpekto ng Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
