Ang Kahulugan ng Gawain ng Paglupig ng Diyos sa Tsina
I
Ang gawain ni Jehova
ay ang paglikha sa mundo, iyon ang simula;
ang yugtong ito ng gawain
sa mga huling araw ang katapusan
at kongklusyon ng gawain.
Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos
sa mga taong hinirang sa Israel,
at ito ang simula ng isang bagong panahon
sa pinakabanal sa lahat ng lugar.
Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa
sa pinakamarumi sa lahat ng bansa,
upang hatulan ang mundo
at wakasan ang kapanahunan.
Kapag ang mga tao sa pinakamarumi
at pinakamadilim sa lahat ng lugar na ito
ay nalupig na,
at kinilala nilang lahat na mayroong Diyos,
na siyang tunay na Diyos,
at ang bawat tao
ay lubusan nang nakumbinsi,
ang katunayang ito ay gagamitin upang isagawa
ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob.
Ang yugtong ito ng gawain ay simboliko,
kapag natapos na ang gawain
sa kapanahunang ito,
ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala
ay ganap nang magwawakas.
II
Sa oras na ang mga nasa pinakamadilim
sa lahat ng lugar ay nalupig na,
tiyak na ganoon din ang mangyayari
sa iba pang lugar.
Kung gayon, tanging ang gawain
ng panlulupig sa Tsina
ang nagtataglay ng makabuluhang pagsasagisag.
Kinakatawan ng Tsina
ang lahat ng puwersa ng kadiliman,
at ang mga tao sa Tsina
ay kumakatawan sa lahat ng sa laman,
kay Satanas, at sa laman at dugo.
Ang mga Tsino ang pinakaginawang tiwali
ng malaking pulang dragon,
ang may pinakamasidhing
pagsalungat sa Diyos,
na ang pagkatao
ay pinakamababa at marumi,
kaya sila ang tipikal na halimbawa
ng lahat ng tiwaling sangkatauhan.
Ang mga tao ng Tsina
ay ginawang halimbawa,
at kapag sila ay nalupig,
sila ay magiging mga modelo at uliran,
at magsisilbing sanggunian para sa iba.
III
Bakit palagi Kong sinasabi na kayo ay pandagdag
sa Aking plano ng pamamahala?
Sa mga tao sa Tsina naipapamalas
nang pinakabuong-buo at nabubunyag
ang katiwalian, karumihan, pagiging di-matuwid,
pagsalungat, at paghihimagsik
sa lahat ng iba’t ibang anyo nito.
Sa isang banda,
sila ay may mahinang kakayahan,
at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay
at pag-iisip ay paurong.
Ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan,
pamilya ng kapanganakan—
ang lahat ay salat at pinakapaurong.
Ang kanilang katayuan ay mababa rin.
Ang gawain sa lugar na ito
ay may isinasagisag.
Pagkatapos ganap na gawin
itong gawain ng pagsubok,
ang susunod na gawain ng Diyos
ay magiging higit na madali.
Kapag natapos na
ang hakbang na ito ng gawain,
ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob
ay ganap nang magwawakas.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)
