Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay
I
Hindi nananangan ang Diyos sa lumang mga bagay
o tumatahak sa landas na madalas daanan;
kapag gumagawa at nagsasalita Siya,
hindi Siya mapagbawal gaya ng iniisip ng mga tao.
Sa Diyos, may Kalayaan at liberasyon ang lahat,
at walang pagbabawal, walang paghihigpit—
kalayaan at liberasyon
ang dinadala Niya sa sangkatauhan.
Siya ay isang buhay na Diyos,
isang Diyos na tunay, totoong umiiral.
Hindi Siya isang papet o isang nililok na luwad;
at lubos na naiiba Siya sa mga idolo
na dinadambana at sinasamba ng mga tao.
Siya ay buhay at masigla;
at ang dala ng Kanyang mga salita
at gawain sa mga tao
ay pawang buhay at liwanag,
pawang kalayaan at liberasyon,
sapagkat hawak Niya ang katotohanan,
ang buhay, at ang daan—
hindi Siya nahahadlangan ng anuman
sa alinman sa Kanyang gawain.
II
Anuman ang sabihin ng mga tao
o paano man nila nakikita
o tinatasa ang bago Niyang gawain,
isasakatuparan Niya ang Kanyang gawain
nang walang pag-aalinlangan.
Hindi Siya mag-aalala tungkol sa mga kuru-kuro
o pamumuna ng sinuman
na may kinalaman sa Kanyang gawain at mga salita,
o maging sa kanilang matinding pagtutol
at paglaban sa Kanyang bagong gawain.
Walang sinuman sa lahat ng nilikha
ang maaaring gumamit ng pantaong katwiran,
imahinasyon, kaalaman, o moralidad
upang sukatin o limitahan ang ginagawa ng Diyos,
upang siraan, guluhin o isabotahe
ang Kanyang gawain.
III
Walang pagbabawal sa Kanyang gawain
at sa kung ano ang Kanyang ginagawa;
hindi ito mapipigilan ng sinumang tao,
anumang pangyayari, o bagay,
ni hindi ito magugulo
ng anumang mga puwersa ng kaaway.
Pagdating sa Kanyang bagong gawain,
Siya ay palaging-nagwawaging Hari,
at niyuyurakan sa ilalim ng Kanyang tuntungan
ang anumang mga puwersa ng kaaway
at ang lahat ng erehiya
at mga kamalian ng sangkatauhan.
Alinmang bagong yugto ng Kanyang gawain
ang Kanyang isinasakatuparan,
tiyak na mabubuo at mapalalawak ito
sa sangkatauhan
at tiyak na maisasakatuparan nang walang hadlang
sa buong sansinukob
hanggang sa matapos na
ang Kanyang dakilang gawain.
Ito ang pagka-makapangyarihan sa lahat
at karunungan ng Diyos,
ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan.
May mga prinsipyo ang Diyos
sa Kanyang mga salita at gawain,
ngunit walang mga pagbabawal,
sapagkat ang Diyos Mismo ang katotohanan,
ang daan, at ang buhay.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
