Ang Diyos ay Nagkatawang-tao Upang Gumawa Dahil sa Pangangailangan ng Tao


I
Ang tanging dahilan
na ang nagkatawang-taong Diyos
ay napatungo sa laman
ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao.
Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao,
hindi ng Diyos,
at ang lahat ng Kanyang mga sakripisyo
at paghihirap
ay alang-alang sa sangkatauhan,
at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo.
Para sa Diyos, walang nakakamit,
nawawala o mga gantimpala;
hindi Siya gagapas ng anumang ani
sa hinaharap,
kundi ng mga dati nang sa Kanya talaga.
Ang lahat ng Kanyang ginagawa
at mga sakripisyo para sa sangkatauhan
ay hindi upang makapagkamit Siya
ng malalaking pabuya,
kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan.
Bagama’t sangkot sa gawain ng Diyos
sa katawang-tao
ang mga paghihirap na di-mailarawan sa isip,
ang mga bunga na nakakamit nito sa huli
ay labis na lampas
sa mga gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu.
II
Ang gawain ng katawang-tao
ay nagdudulot ng maraming paghihirap,
at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay
ng katulad na dakilang pagkakakilanlan
tulad ng Espiritu,
hindi Siya maaaring magsagawa
ng mga katulad na kahima-himalang mga
gawa tulad ng Espiritu,
at higit na hindi Siya maaaring magtaglay
ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu.
Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa
ng hamak na katawang-tao
na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain
na tuwirang ginagawa ng Espiritu,
at ang katawang-taong ito Mismo ang kasagutan
sa mga pangangailangan ng buong sangkatauhan.
Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan
at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos,
ang gawain ng Espiritu
ay makakapagbigay lamang
ng pagkaantig o inspirasyon,
at isang pagkaramdam ng pagkamangha
na ang gawaing ito ay hindi maipaliliwanag
at hindi lubusang maisip,
at isang pagkaramdam na ito ay dakila,
nakahihigit, at kahanga-hanga,
ngunit hindi rin maa’ring makamit
at matamo ng lahat.
III
Ang gawain ng katawang-tao
ay nag-aalok sa tao ng praktikal na mga layunin
upang hangaring matamo,
malinaw na mga salita,
at isang pakiramdam
na Siya ay praktikal at normal,
na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan.
Bagama’t maa’ring matakot ang tao sa Kanya,
para sa karamihan ng mga tao
Siya ay madaling makaugnay:
Maa’ring masdan ng tao ang Kanyang mukha,
at marinig ang Kanyang tinig,
at hindi niya Siya kailangang tingnan
mula sa malayo.
Nararamdaman ng tao na madaling lapitan
ang katawang-taong ito,
hindi malayo, o di-maarok,
bagkus ay nakikita at nahahawakan,
dahil ang katawang-tao na ito
ay nasa kaparehong mundo ng tao.
Bagama’t sangkot sa gawain
ng Diyos sa katawang-tao
ang mga paghihirap na di-mailarawan sa isip,
ang mga bunga na nakakamit nito sa huli
ay labis na lampas
sa mga gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao