Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?
I
Nanggagaling sa Diyos ang buhay ng tao,
umiiral ang langit nang dahil sa Diyos,
at dahil din sa kapangyarihan
ng buhay ng Diyos kaya nananatili ang mundo.
Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan
ang kayang malampasan
ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos,
at walang bagay na may lakas
ang kayang takasan
ang saklaw ng awtoridad ng Diyos.
Sa ganitong paraan, maging sino man sila,
dapat sumuko ang lahat ng tao
sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos,
dapat mamuhay ang lahat
sa ilalim ng kontrol ng Diyos,
at wala sa kanila ang makakatakas
mula sa Kanyang mga kamay.
II
Marahil ang magkamit ng buhay
ang ninanais mo ngayon,
o marahil ninanais mong
makamit ang katotohanan.
Anuman ang kalagayan,
nais mong matagpuan ang Diyos,
matagpuan ang Diyos na maaasahan mo,
at na Siyang makapagbibigay sa iyo
ng buhay na walang hanggan.
Kung nais mong makamit
ang buhay na walang hanggan,
dapat mo munang maintindihan
ang pinagmumulan ng buhay
na walang hanggan
at dapat mo munang malaman
kung nasaan ang Diyos.
Tanging ang Diyos lamang
ang buhay na hindi nababago,
at tanging ang Diyos lamang
ang nagtataglay ng daan ng buhay.
Dahil ang Diyos ay ang buhay
na hindi nagbabago,
Siya kung gayon
ang buhay na walang hanggan;
dahil tanging ang Diyos lamang
ang daan ng buhay,
ang Diyos Mismo kung gayon
ang daan ng buhay na walang hanggan.
III
Hawak ng Diyos
ang kataas-taasang kapangyarihan
sa bawat isa sa lahat ng bagay,
at Siya ang pangunahing sandigan ng tao
sa kanyang puso,
at bukod dito, namumuhay Siya
sa gitna ng tao.
Sa ganito lang Niya maihahatid
ang daan ng buhay sa sangkatauhan,
at maihahatid ang tao sa daan ng buhay.
Pumarito sa lupa ang Diyos,
at namumuhay sa gitna ng mga tao,
upang maaaring makamtan ng tao
ang daan ng buhay,
at nang sa gayon ay umiral ang tao.
Kasabay nito, pinamumunuan din ng Diyos
ang lahat-lahat sa bawat bagay,
upang padaliin ang pagtutulungan
sa pamamahala na ginagawa Niya sa tao.
Kaya naman, kung kinikilala mo lamang
ang doktrinang nasa langit
at nasa puso ng tao ang Diyos,
subalit hindi kinikilala ang katotohanan
ng pamumuhay ng Diyos sa gitna ng mga tao
kung gayon ay hindi mo kailanman
makakamit ang buhay,
at hindi mo kailanman makakamit
ang daan ng katotohanan.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan
