Hinahanap ng Diyos ang mga Nauuhaw sa Kanyang Pagpapakita


I
Ngayon, ang gayong
matutuwid na tao tulad ni Noah,
na kayang sumamba sa Diyos
at umiwas sa kasamaan, ay hindi na umiiral.
Ngunit ang Diyos ay nagpakita pa rin
ng magandang-loob sa sangkatauhang ito,
at pinawawalang-sala pa rin
sila sa huling panahong ito.
Hinahanap ng Diyos ang mga taong
nag-aasam na Siya’y magpakita.
Hinahanap Niya ang mga makaririnig
sa Kanyang mga salita,
mga hindi nakalimot sa Kanyang atas,
at naghahandog ng kanilang puso
at katawan sa Kanya.
Hinahanap Niya ang mga kasingmapagpasakop
ng mga bata sa Kanyang harapan,
at hindi Siya kakalabanin.
Kung ilalaan mo ang iyong sarili sa Diyos,
hindi nahahadlangan
ng anumang kapangyarihan o puwersa,
titingnan ka ng Diyos
nang may pabor at ipagkakaloob sa iyo
ang Kanyang mga pagpapala.
II
Kung ikaw ay may mataas na katayuan,
may marangal na reputasyon,
may saganang kaalaman,
nagmamay-ari ng napakaraming ari-arian,
at suportado ng maraming tao,
subalit hindi ka napipigilan ng mga bagay
na ito na lumapit sa Diyos
upang tanggapin ang Kanyang pagtawag
at ang Kanyang atas,
at gawin kung
ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo,
ang lahat ng iyong ginagawa ay
magiging pinakamakabuluhan sa lupa
at pinakamakatarungan
na gawain ng sangkatauhan.
Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos
para sa kapakanan ng katayuan
at sarili mong mga mithiin,
lahat ng iyong gagawin ay susumpain
at kamumuhian pa ng Diyos.
III
Maaaring ikaw ay isang presidente,
isang siyentipiko,
isang pastor, o isang nakatatandang pinuno,
ngunit gaano pa man kataas
ang iyong katungkulan,
kung umaasa ka sa iyong kaalaman
at kakayahan sa iyong mga ginagawa,
ikaw ay palaging magiging bigo,
at palaging mawawalan ng pagpapala ng Diyos,
sapagkat hindi tinatanggap
ng Diyos ang anumang ginagawa mo,
at hindi Niya kinikilala na ang
iyong ginagawa ay makatarungan,
o tinatanggap na ikaw ay kumikilos
para sa kapakinabangan ng sangkatauhan.
Sasabihin Niya na ang lahat ng bagay
na ginagawa mo ay para sa paggamit
ng kaalaman at lakas ng sangkatauhan
upang itulak palayo
ang proteksiyon ng Diyos mula sa tao,
at na ginagawa ito upang itatwa
ang mga pagpapala ng Diyos.
Sasabihin Niya na
dinadala mo ang sangkatauhan
patungo sa kadiliman, patungo sa kamatayan,
at patungo sa simula ng isang pag-iral
na walang limitasyon kung saan nawala sa tao
ang Diyos at ang Kanyang pagpapala.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan