Paano Nagsisimula ang Pasakit ng Sangkatauhan?
I
Dahil hindi nakikilala ng mga tao
ang pamamatnugot
at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos,
palagi nilang hinaharap ang kapalaran
nang may pagsuway
at mapanghimagsik na saloobin,
at palaging nais iwaksi ang awtoridad
at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos
at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran,
umaasa nang walang-saysay na mababago
ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan
at mag-iba ang kanilang kapalaran.
Subalit hindi sila kailanman magtatagumpay
at nahahadlangan sila sa bawat liko.
Ang pakikibakang ito
na nagaganap sa kaibuturan
ng sariling kaluluwa ay nagdudulot
ng matinding kirot na tila tagos hanggang buto
habang unti-unti niyang inaaksaya
ang kanyang buhay.
II
Ano ang sanhi ng kirot na ito?
Sanhi ito ng mga landas
na tinatahak ng mga tao,
at ng mga paraan na pinipili nilang isabuhay
ang kanilang buhay.
Maaaring hindi pa napagtanto
ng ilang tao ang mga bagay na ito.
Subalit kapag tunay mong nalalaman,
kapag tunay mong nakikilala
na ang Diyos
ay may kataas-taasang kapangyarihan
sa kapalaran ng tao,
kapag tunay mong nauunawaan
na ang lahat ng kataas-tasaang kapangyarihan
at pagsasaayos ng Diyos
para sa iyo
ay isang malaking benepisyo at proteksyon,
kung gayon unti-unting mapapawi
ang iyong kirot,
at ang buong pagkatao mo
ay magiging magaan, malaya, at pinalaya.
III
Ang trahedya ng tao
ay hindi sa hinahanap niya ang maligayang buhay,
hindi sa hinahangad niya
ang kasikatan at kayamanan
o sa nakikipagsagupa siya
sa sarili niyang kapalaran sa gitna ng hamog,
kundi pagkatapos niyang makita
ang pag-iral ng Lumikha,
matapos niyang matutuhan ang katotohanan
na ang Lumikha
ang may kataas-taasang kapangyarihan
sa kapalaran ng tao,
hindi pa rin niya maituwid ang kanyang landas,
hindi maiahon ang sarili mula sa putik,
ngunit pinatitigas ang kanyang puso
at nagpupumilit sa kanyang mga pagkakamali.
Mas nanaisin pa niyang
patuloy na makibaka sa putikan,
matigas ang ulong nakikipagpaligsahan
sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha,
nilalabanan ito
hanggang sa mapait na katapusan,
nang wala ni katiting na pagsisisi.
Magpapasya lamang siyang sumuko
at bumalik
kapag siya ay nakahiga na nang wasak
at nagdurugo.
Ito ang tunay na pighati ng tao.
Kaya sinasabi Ko,
ang mga pumipili na magpasakop ay matatalino,
at ang mga pumipiling makibaka
at kumawala ay hangal.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
