Ano ang Magiging Katapusan Mo?
I
Ang katapusan ng lahat
ng bagay ay nalalapit na;
lahat ng langit at lupa
ay nakarating na sa wakas nito.
Paano makatatakas ang tao sa
mga huling araw ng pag-iral ng sangkatauhan?
Paanong hindi makikita
ng mga natatakot sa Diyos
at nananabik sa Kanyang pagpapakita
ang araw ng pagpapakita ng katuwiran ng Diyos?
Paanong hindi nila matatanggap
ang huling gantimpala para sa kabutihan?
Ikaw ba ay isa na gumagawa ng mabuti,
o isa na gumagawa ng masama?
Ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid
na paghatol at pagkatapos ay nagpapasakop,
o ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid
na paghatol at pagkatapos ay isinusumpa?
Nabubuhay ka ba sa harap ng luklukan
ng paghatol sa liwanag,
o namumuhay ka ba kay Hades
sa gitna ng kadiliman?
Hindi ba ikaw mismo ang nakakaalam
nang pinakamalinaw kung ang iyong wakas
ay isa ng gantimpala o isa ng kaparusahan?
Hindi ba ikaw ang isa
na nakaaalam nang pinakamalinaw
at nakauunawa nang pinakamalalim
na ang Diyos ay matuwid?
Kaya, ano ba talaga ang wangis
ng iyong pag-uugali at puso?
Gaano na karami
ang iyong naisuko para sa Akin?
Gaano kalalim ang pagsamba mo sa Akin?
Hindi ba’t alam na alam mo sa sarili mo
kung paano ka umaasal tungo sa Akin?
Dapat mas alam mo kaysa kaninuman
kung ano ang iyong kahahantungan!
II
Totohanang sinasabi Ko sa iyo:
Nilikha Ko lamang ang sangkatauhan,
at ikaw ay nilikha Ko,
ngunit hindi Ko kayo ipinasa kay Satanas;
at hindi Ko rin sinadyang paghimagsikin ka
laban sa Akin o labanan mo Ako
at sa gayon ay maparusahan Ko.
Hindi ba ang lahat ng kalamidad
at paghihirap na ito
ay dahil ang inyong puso
ay masyadong matigas
at ang inyong
pag-uugali ay sobrang kasuklam-suklam?
Kaya hindi ba ang inyong kahahantungan
ay kayo mismo ang nagpasya?
Hindi ba nalalaman ninyo sa inyong mga puso,
higit sa kaninuman,
kung paano kayo magwawakas?
Ang dahilan kung bakit nilulupig Ko
ang mga tao ay upang ibunyag sila,
at upang mas matiyak ang iyong kaligtasan.
Hindi ito upang pagawain ka ng masama
o sadyang palakarin ka papunta sa
impiyerno ng pagkawasak.
Pagdating ng panahon,
lahat ng iyong matinding pagdurusa,
ang pagtangis at pagngangalit
ng iyong mga ngipin—
hindi ba ang lahat ng ito ay magiging
dahil sa iyong mga kasalanan?
Kaya, hindi ba ang iyong sariling
kabutihan o ang iyong sariling kasamaan
ang pinakamahusay na paghatol sa iyo?
Hindi ba ito ang pinakamahusay na katibayan
kung ano ang iyong magiging wakas?
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (1)
