Ang mga Tumatanggap Lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos


I
Kung saanman nagpapakita ang Diyos,
doon ipahahayag ang katotohanan,
at naroon ang tinig ng Diyos.
Tanging ang mga nagagawang
tanggapin ang katotohanan
ang makakarinig sa tinig ng Diyos,
at tanging ang mga ganitong tao lang
ang kwalipikadong makasaksi
sa pagpapakita ng Diyos.
Pakawalan mo ang iyong mga kuru-kuro!
Patahimikin ang iyong sarili
at basahing mabuti ang mga salita ng Diyos.
Hangga’t mayroon kang pusong
nananabik sa katotohanan,
liliwanagan ka ng Diyos para maunawaan mo
ang Kanyang mga layunin
at Kanyang mga salita.
Bitiwan na ninyo ang
mga argumento niyo ng pagiging “imposible”!
Habang lalong naniniwala ang mga tao
na imposible ang isang bagay,
mas lalong maaari itong mangyari,
dahil mas mataas pa sa mga langit
ang karunungan ng Diyos,
mas mataas pa ang mga kaisipan
ng Diyos kaysa sa tao,
at ginagampanan ng Diyos ang gawain Niya
nang lampas sa mga hangganan
ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao.
Habang mas imposible ang isang bagay,
lalong higit na mayroong
katotohanang mahahanap dito;
habang mas hindi kayang maisip
ng mga kuru-kuro ng tao ang isang bagay,
lalong naglalaman ito ng mga layunin ng Diyos.
II
Ito ay dahil, kahit saan pa Siya nagpapakita,
ang Diyos ay nananatiling Diyos,
at ang Kanyang diwa
ay hinding-hindi magbabago
dahil lamang sa lugar
o paraan ng Kanyang pagpapakita.
Ang disposisyon ng Diyos
ay hindi magbabago saanman naroon
ang mga bakas ng Kanyang yapak,
at nasaan man ang mga bakas
ng yapak ng Diyos,
Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan,
gaya ng ang Panginoong Jesus
ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita,
kundi ang Diyos din ng lahat ng tao
sa Asya, Europa, at Amerika,
at higit pa rito ay ang nag-iisa
at natatanging Diyos ng buong sansinukob.
III
Kaya hanapin natin ang mga layunin ng Diyos
at tuklasin ang Kanyang pagpapakita
mula sa Kanyang mga pagbigkas at salita,
at sabayan ang Kanyang mga yapak!
Ang Diyos ang katotohanan,
ang daan, at ang buhay.
Ang Kanyang mga salita
at ang Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral,
at ang Kanyang disposisyon
at mga bakas ng yapak
ay hayagang ipinapakita sa sangkatauhan
sa lahat ng oras.
Minamahal na mga kapatid,
umaasa Akong makikita ninyong lahat
ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito,
uumpisahan ninyong makasabay
sa Kanyang mga yapak
at humakbang pasulong
tungo sa isang bagong kapanahunan,
at papasok kayo sa magandang
bagong langit at lupa na naihanda na ng Diyos
para sa mga naghihintay
sa Kanyang pagpapakita!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan