Yaon Lamang mga Tumatalo kay Satanas ang Maliligtas


I
Kapag hindi pa nailigtas ang mga tao,
ang mga buhay nila ay madalas na ginugulo,
at kinokontrol pa nga, ni Satanas.
Sa madaling salita,
ang mga tao na hindi pa naililigtas
ay mga bilanggo ni Satanas,
sila ay walang kalayaan,
hindi pa sila binibitawan ni Satanas,
hindi sila kwalipikado
o wala silang karapatan na sumamba sa Diyos,
at sila ay labis na tinutugis
at nilulusob nang matindi ni Satanas.
Ang gayong mga tao ay walang kaligayahan,
wala silang karapatan
sa isang normal na pag-iral,
at higit pa rito, wala silang dangal na masasabi.
Tanging kung ikaw ay maninindigan
at makikipaglaban kay Satanas,
gamit ang iyong pananampalataya
at pagpapasakop sa Diyos, at takot sa Diyos,
bilang iyong mga sandata na gagamitin
para sa isang buhay-at-kamatayan
na pakikipaglaban kay Satanas,
sa gayon ay lubusan mong matalo
si Satanas at sa tuwing makikita ka nito,
ito’y sisibat at maduduwag
upang tuluyan na nitong itigil
ang mga paglusob at paratang laban sa iyo—
saka ka lang maililigtas at magiging malaya.
II
Kung determinado kang ganap
na kumalas kay Satanas,
ngunit wala kang mga sandatang tutulong
sa iyo upang talunin si Satanas,
ikaw ay manganganib pa rin.
Sa paglipas ng panahon,
kapag ikaw ay lubhang napahirapan na
ni Satanas na wala nang natitirang lakas sa iyo,
ngunit hindi mo pa rin magawang magpatotoo,
hindi pa rin tuluyang napapalaya
ang iyong sarili sa mga paratang
at paglusob ni Satanas laban sa iyo,
kung gayon magiging maliit lamang
ang pag-asa na maililigtas ka.
Sa huli, kapag ipinapahayag na
ang konklusyon ng gawain ng Diyos,
nasa mahigpit na pagkakahawak ka pa rin
ni Satanas,
kung saan hindi mo
magawang palayain ang iyong sarili,
at dahil dito hindi ka na kailanman
magkakaroon ng pagkakataon o pag-asa.
Ang ipinapahiwatig nito ay magiging ganap
na mga bihag ni Satanas ang ganitong mga tao,
magiging ganap na mga bihag
ni Satanas ang ganitong mga tao.

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II