Mapalad ang mga Nagmamahal sa Diyos
I
Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos
ang makakapagpatotoo sa Diyos,
sila lamang ang mga saksi ng Diyos,
sila lamang ang pinagpapala ng Diyos
at makakatanggap ng mga pangako ng Diyos.
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay mga kapalagayang-loob ng Diyos;
sila ang mga tao na minamahal ng Diyos,
at matatamasa nila ang mga pagpapala
kasama ng Diyos.
Ang mga taong tulad lamang nito
ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan,
at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman
sa ilalim ng pangangalaga
at pag-iingat ng Diyos.
II
Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos,
at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap
sa gawain ng Diyos,
ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos
ay maaaring maglakad saanman
sa ilalim ng mga kalangitan
nang walang sinumang mangangahas
na labanan sila,
at makakaya nilang gamitin
ang kapangyarihan sa lupa
at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos.
Nagsasama-sama ang mga taong ito
mula sa iba’t ibang dako ng mundo.
Nagsasalita sila ng iba’t ibang wika
at may iba’t ibang kulay ng balat,
ngunit ang kanilang pag-iral
ay may katulad na kahulugan;
silang lahat ay may pusong
nagmamahal sa Diyos,
silang lahat ay nagtataglay
ng magkakatulad na patotoo,
at may magkakatulad na kapasyahan,
at magkakatulad na minimithi.
Makapaglalakad nang malaya sa buong
mundo ang mga umiibig sa Diyos,
at makapaglalakbay sa buong sansinukob
ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos.
Minamahal ng Diyos ang mga taong ito,
pinagpapala sila ng Diyos,
at mabubuhay sila magpakailanman
sa Kanyang liwanag.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag
