Handa Ka bang Ibigay sa Diyos ang Pag-ibig sa Iyong Puso?


I
Kung ang mga tao
ay hindi naghahangad ng anumang mithiin
kapag naniniwala sila sa Diyos,
walang saysay ang kanilang mga buhay,
at kapag dumating ang sandali
ng kanilang kamatayan,
ang makikita lang nila ay ang asul na kalangitan
at ang maalikabok na lupa.
May anumang kabuluhan ba ang gayong buhay?
Kung kaya mong matupad
ang mga hinihingi ng Diyos
habang nabubuhay ka,
hindi ba’t isa itong mabuting bagay?
Bakit lagi kang nagdudulot ng gulo sa sarili mo?
Sa Aking panata sa Diyos,
mayroon lang pangako ng Aking puso.
Nais Ko lang na aliwin
ang Diyos na iniibig Ko ng Aking puso,
upang ang Kanyang Espiritu sa langit
ay maaaring maaliw.
Maaaring mahalaga ang puso,
nguni’t mas mahalaga ang pag-ibig.
Ibibigay Ko ang pinakamahalagang pag-ibig
sa Aking puso sa Diyos
upang Kanyang matamasa
ang pinakamagandang bagay na mayroon Ako,
at umaasa ako na malulugod Siya sa pag-ibig
na inihahandog Ko sa Kanya.
II
Handa ka bang ibigay
ang iyong pag-ibig sa Diyos
upang pahalagahan Niya?
Handa ka ba na gawin
itong puhunan ng iyong pag-iral?
Sa Aking mga karanasan, nakita Ko na habang
mas higit ang pag-ibig
na ibinibigay Ko sa Diyos,
mas higit ang nasusumpungan Kong
kagalakan sa pamumuhay;
bukod pa rito,
walang limitasyon sa Aking kalakasan,
at handa Akong ihandog ang
Aking buong katawan at isipan,
at laging nadarama na hindi Ko
sapat na maiibig ang Diyos.
Kung tunay na nais mong
ibigin ang Diyos, palagi kang magkakaroon
ng higit pang pag-ibig na maisusukli sa Kanya—
at kung gayon, sinong tao
at anong bagay ang maaaring maging hadlang
sa iyong pag-ibig para sa Diyos?
Nakikita ng Diyos ang pag-ibig
ng bawat tao bilang mahalaga.
Sa lahat ng umiibig sa Kanya,
muling dinoble ang Kanyang mga pagpapala,
sapagka’t ang pag-ibig ng tao
ay napakahirap makuha,
at napakakaunti lang nito.
Nakikita ng Diyos ang pag-ibig
ng bawat tao bilang mahalaga.
Sa lahat ng umiibig sa Kanya,
muling dinoble ang Kanyang mga pagpapala,
sapagka’t ang pag-ibig ng tao
ay napakahirap makuha,
at napakakaunti lang nito.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … (3)