Nagsasaya’t Nagpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig


I
Ang nag-iisang tunay na Diyos
na naghahari sa sansinukob
at sa lahat ng bagay—
ang Makapangyarihang Diyos,
Cristo ng mga huling araw!
Ito ang patotoo ng Banal na Espiritu,
ito’y di-mapasisinungalingang katibayan!
Gumagawa ang Banal na Espiritu
upang magpatotoo sa lahat ng dako,
upang walang sinuman ang magduda.
Ang matagumpay na Hari,
Makapangyarihang Diyos!
Nanaig na Siya sa buong mundo,
nanaig na Siya sa kasalanan,
at natupad na Niya ang Kanyang pagtubos!
Iniligtas Niya tayo,
ang grupong ito ng mga taong
ginawang tiwali ni Satanas,
at ginawa Niya tayong ganap
upang sumunod sa kalooban Niya.
Nagbubunyi ang buong daigdig!
Pinupuri nito ang matagumpay na Hari—
ang Makapangyarihang Diyos!
Magpakailan pa man!
Karapat-dapat Ka sa parangal at papuri.
Awtoridad at luwalhati
sa dakilang Hari ng sansinukob!
II
Siya ang namamahala sa buong lupa,
binabawi ang lupaing ito
at itinataboy si Satanas
tungo sa walang hanggang hukay.
Hinahatulan Niya ang mundo,
at wala ni isa man ang makakatakas
mula sa Kanyang mga kamay.
Wala ni isa man ang makakatakas
mula sa Kanyang mga kamay.
Namumuno Siya bilang Hari.
Nagbubunyi ang buong daigdig!
Pinupuri nito ang matagumpay na Hari—
ang Makapangyarihang Diyos!
Magpakailan pa man!
Karapat-dapat Ka sa parangal at papuri.
Awtoridad at luwalhati
sa dakilang Hari ng sansinukob!
Awtoridad at luwalhati
sa dakilang Hari ng sansinukob!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 27