Inuuri ng Matuwid na Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang Sangkatauhan
I
Sa panghuli Niyang gawain
ng pagwawakas sa kapanahunan,
ang disposisyon ng Diyos
ay isang pagkastigo at paghatol,
kung saan inihahayag Niya
ang lahat ng di-matuwid,
upang hayagang hatulan ang lahat ng tao,
at gawing perpekto
ang mga nagmamahal nang tapat sa Kanya.
Ang ganitong disposisyon lamang
ang makapagwawakas sa kapanahunang ito.
Dumating na ang mga huling araw.
Lahat ng bagay na nilikha
ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila,
at hahatiin sa iba’t ibang kategorya
ayon sa kanilang kalikasan.
Ito ang sandali kung kailan
ibinubunyag ng Diyos
ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan.
Kung hindi sasailalim
sa pagkastigo at paghatol ang mga tao,
walang paraan para mailantad
ang kanilang paghihimagsik
at pagiging di-matuwid.
Sa pamamagitan lamang
ng pagkastigo at paghatol mahahayag
ang kalalabasan ng lahat ng nilikha.
Ipinapakita lamang ng tao
ang kanyang tunay na kulay
kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan.
Ang masasama ay isasama sa masasama,
ang mabubuti sa mabubuti,
at ang buong sangkatauhan
ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri.
II
Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol,
ang kalalabasan ng lahat ng nilikha
ay mahahayag,
para maparusahan ang masasama
at magantimpalaan ang mabubuti,
at lahat ng tao ay magpapasailalim
sa pamamahala ng Diyos.
Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa
sa pamamagitan
ng matuwid na pagkastigo at paghatol.
Dahil umabot na
sa sukdulan ang katiwalian ng tao
at napakalubha na ng kanyang paghihimagsik,
ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos,
na pangunahing pinagsama
ng pagkastigo at paghatol
at inihahayag sa mga huling araw,
ang lubusang makapagbabago
at makagagawang ganap sa tao.
Ang disposisyong ito lamang
ang makapaglalantad sa kasamaan
at sa gayon ay makapagbibigay
ng matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid.
Samakatuwid, ang disposisyong tulad nito
ay puno ng kahalagahan ng kapanahunan,
at ang pagbubunyag at pagpapakita
ng Kanyang disposisyon ay ipinamamalas
para sa kapakanan ng gawain
sa bawat bagong kapanahunan.
Hindi sa ibinubunyag ng Diyos
ang Kanyang disposisyon nang basta-basta
at nang walang kabuluhan.
III
Ipagpalagay na sa pagbubunyag
ng kalalabasan ng tao sa mga huling araw,
igagawad pa rin ng Diyos sa tao
ang walang limitasyong awa at pagmamahal
at patuloy na magiging mapagmahal sa mga tao,
hindi isasailalim ang tao
sa matuwid na paghatol
kundi magpapakita sa kanya
ng pagpaparaya, pagtitiis, at pagpapatawad,
at papatawarin ang tao
gaano man katindi ang mga kasalanan niya,
nang wala ni katiting na matuwid na paghatol;
kailan kung gayon magwawakas
ang buong pamamahala ng Diyos?
Kailan magagawang mapangunahan
ng ganitong disposisyon ang mga tao
patungo sa nararapat na hantungan
ng sangkatauhan?
Sa mga huling araw,
ang matuwid na paghatol lamang
ang makapaghihiwalay sa tao ayon sa kanilang uri
at makapagdadala sa tao
sa isang bagong mundo.
Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan
ay dadalhin sa katapusan
sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon
ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3
