Kailangan Mong Magpatotoo sa Diyos sa Lahat ng Bagay


I
Sa bawat hakbang ng gawaing
ginagawa ng Diyos sa mga tao,
sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan
sa pagitan ng mga tao,
na para bang mula sa pagsasaayos ng tao,
o mula sa panggugulo ng tao.
Ngunit sa likod ng mga eksena,
ang bawat hakbang ng gawain,
at lahat ng nangyayari,
ay isang pustahan na ginawa ni Satanas
sa harap ng Diyos,
at hinihingi sa mga tao na manindigan
sa kanilang patotoo sa Diyos.
Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa:
Sa likod ng mga eksena,
nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos,
at ang nangyari kay Job
ay mga gawa ng mga tao,
at ang panggugulo ng mga tao.
Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing
ginagawa ng Diyos sa inyo
ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—
sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan.
II
Kapag naglalaban sa espirituwal na mundo
ang Diyos at si Satanas,
paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos,
at paano ka dapat manindigan
sa iyong patotoo sa Kanya?
Dapat mong malaman na ang lahat
ng nangyayari sa iyo
ay isang malaking pagsubok
at ang oras na
kailangan ka ng Diyos na magpatotoo.
Bagama’t maaaring hindi mukhang mahalaga
ang mga ito sa panlabas,
kapag nangyayari ang mga bagay na ito,
ipinakikita ng mga ito
kung mahal mo ba o hindi ang Diyos.
Kung mahal mo, makakapanindigan ka
sa iyong patotoo sa Kanya,
at kung hindi mo naisagawa
ang pagmamahal sa Kanya,
ipinapakita nito na ikaw
ay hindi isang taong nagsasagawa ng katotohanan,
na ikaw ay walang katotohanan,
at walang buhay, na ikaw ay ipa!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos