Ang Gawain ng Pamamahala sa Tao ay ang Gawain ng Pagtalo kay Satanas
I
Ang lahat ng gawain ng Diyos
ay para talunin si Satanas.
Lahat ng Kanyang gawain—
maging ito man ay pagkastigo o paghatol—
ay nakatutok kay Satanas;
ito ay isinasakatuparan
para sa kaligtasan ng sangkatauhan,
para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Lahat ng ito ay upang talunin si Satanas;
at ito ay may isang layunin:
ang makipagdigma kay Satanas
hanggang sa katapusan!
Ang Diyos ay hindi kailanman magpapahinga
hangga’t hindi Siya nagwawagi kay Satanas!
Siya ay magpapahinga lamang
sa sandaling natalo na Niya si Satanas.
II
Sapagkat ang lahat ng gawain
na ginagawa ng Diyos
ay nakatutok kay Satanas,
at dahil yaong mga nagawang tiwali
ni Satanas
ay nasa ilalim lahat ng kontrol
ng kapangyarihan ni Satanas,
at namumuhay lahat sa ilalim
ng kapangyarihan ni Satanas,
nang hindi nakikipaglaban
at humihiwalay kay Satanas,
hindi luluwagan ni Satanas
ang pagkakahawak sa mga taong ito,
at hindi sila makakamit.
Kung hindi sila nakamit,
patutunayan nito na si Satanas
ay hindi pa natatalo,
na ito ay hindi pa nadadaig.
Sa 6,000-taong plano
ng pamamahala ng Diyos,
noong unang yugto
ginawa Niya ang gawain ng kautusan.
Noong ikalawang yugto
ginawa Niya ang gawain
ng Kapanahunan ng Biyaya,
iyon ay, ang gawain ng pagpapapako sa krus,
at sa panahon ng ikatlong yugto
ginagawa Niya ang gawain
ng panlulupig sa sangkatauhan.
Ang lahat ng gawaing ito
ay nakatutok sa lawak
ng pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan,
ang lahat ng ito ay upang talunin si Satanas,
at bawat isa sa mga yugto
ay alang-alang sa paggapi kay Satanas.
III
Ang diwa ng 6,000-taong gawain
ng pamamahala ng Diyos
ay ang digmaan
laban sa malaking pulang dragon,
at ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan
ay ang gawain din ng pagtalo kay Satanas,
ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas.
Nakipaglaban ang Diyos
sa loob ng 6,000 taon,
at sa gayon ay gumawa sa loob ng 6,000 taon
upang sa kahuli-hulihan
ay dalhin ang tao tungo sa bagong mundo.
Kapag si Satanas ay natalo,
ang tao ay ganap nang mapapalaya.
Ang bawat yugto ng gawain
ay isinasakatuparan
alinsunod sa mga aktuwal na pangangailangan
at hinihingi ng tao;
bawat yugto ng gawain
ay alang-alang sa paggapi kay Satanas.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
