Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Paglikha Niya ng Tao


I
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan
at inilagay sila sa lupa,
at inakay Niya sila magmula noon.
Sila’y iniligtas Niya pagkaraan
at nagsilbi bilang isang handog
para sa kasalanan para sa sangkatauhan.
Sa katapusan, dapat pa rin Niyang lupigin
ang sangkatauhan,
ganap na iligtas ang mga tao,
at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis.
Ito ang gawaing sinangkutan Niya
sa simula pa lamang—
ang pagpapanumbalik sa sangkatauhan
sa orihinal nitong imahe at wangis.
Itatatag ng Diyos ang kaharian Niya
at ipapanumbalik ang orihinal na wangis
ng mga tao,
na nangangahulugang ipapanumbalik ng Diyos
ang awtoridad Niya sa lupa
at sa gitna ng lahat ng nilikha.
II
Nawala sa sangkatauhan
ang may-takot-sa-Diyos nilang puso
gayundin ang tungkuling
nasa pananagutan ng mga nilikha
matapos gawing tiwali ni Satanas,
kaya’t naging isang kaaway
na mapaghimagsik laban sa Diyos.
Namuhay pagkaraan ang sangkatauhan
sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas
at sumailalim sa pagmamanipula ni Satanas;
sa gayon, walang paraan ang Diyos upang gumawa
sa gitna ng mga nilikha Niya,
at lalong hindi nila nagawang
magkaroon ng takot.
Ang mga tao ay nilikha ng Diyos,
at dapat sumamba sa Diyos,
ngunit totoong tinalikuran nila Siya
at sa halip ay sumamba kay Satanas.
Naging diyos-diyosan si Satanas
sa kanilang mga puso.
Sa gayon, nawalan ng puwang ang Diyos
sa kanilang puso,
na ibig sabihin ay nawalan ng kahulugan
ang paglikha Niya sa sangkatauhan.
Samakatuwid, upang mapanumbalik ang kahulugan
sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan,
dapat Niyang maipanumbalik
ang orihinal nilang wangis
at tanggalin sa sangkatauhan
ang kanilang tiwaling disposisyon.
III
Upang mabawi ang mga tao mula kay Satanas,
dapat Niya silang iligtas mula sa kasalanan.
Tanging sa ganitong paraan Niya
unti-unting maipapanumbalik
ang orihinal nilang wangis at tungkulin,
at sa wakas, ay mapapanumbalik
ang kaharian Niya.
Ang pangwakas na pagwasak
ng yaong mga anak ng paghihimagsik
ay isasakatuparan din
upang tulutan ang mga tao
na maging mas mahusay
na sambahin ang Diyos
at mamuhay sa lupa nang higit na maayos.
Ang kahariang ninanais itatag ng Diyos
ay sarili Niyang kaharian.
Ang sangkatauhang ninanais Niya
ay yaong sasamba sa Kanya,
yaong ganap na magpapasakop sa Kanya
at magpapamalas ng luwalhati Niya.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama