Dapat Mong Talikuran ang Lahat para sa Katotohanan


I
Dapat kang magdusa ng paghihirap
alang-alang sa katotohanan,
dapat mong isakripisyo ang iyong sarili
para sa katotohanan,
dapat kang magtiis ng kahihiyan
para sa katotohanan,
at upang makamit ang higit na katotohanan,
dapat kang sumailalim
sa higit pang pagdurusa.
Ito ang dapat mong gawin.
Ito ang dapat mong gawin.
Hindi mo dapat itapon ang katotohanan
alang-alang sa kasiyahan
ng isang matiwasay na buhay-pamilya,
at hindi mo dapat iwala ang dangal
at integridad ng buong buhay mo
para sa pansamantalang kasiyahan.
Hindi mo dapat itapon ang katotohanan
alang-alang sa kasiyahan
ng isang matiwasay na buhay-pamilya,
at hindi mo dapat iwala ang dangal
at integridad ng buong buhay mo
para sa pansamantalang kasiyahan.
II
Dapat mong hangarin ang lahat
ng maganda at mabuti,
at dapat mong hangarin
ang isang landas sa buhay
na higit na makabuluhan.
Kung namumuhay ka ng makamundong buhay,
at wala kang anumang layong hahangarin,
hindi ba’t pag-aaksaya ito sa buhay mo?
Dapat mong talikuran
ang lahat ng kasiyahan ng laman
alang-alang sa isang katotohanan,
at hindi mo dapat itapon
ang lahat ng katotohanan
alang-alang sa isang munting kasiyahan.
Ang mga ganitong tao
ay walang integridad o dangal;
walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!
Walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol