Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan


Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel
at pagkatapos ay kinuha Ko ito,
sa paraang ito
ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan,
at dinadala rin ang lahat ng tao sa Silangan,
dinadala silang lahat sa liwanag
para muli nila itong makasama,
at makaugnay ito,
at hindi na sila maghanap pa.
Gagawin Kong posible
upang ang lahat ng naghahanap
ay magawang makitang muli ang liwanag,
makita ang kaluwalhatiang
tinaglay Ko sa Israel,
makita na matagal na Akong bumaba
sakay ng puting ulap
sa gitna ng sangkatauhan,
at makita ang kumpol-kumpol na mga puting ulap
at saganang bunga.
Higit pa rito, gagawin Kong posible
na makita nila ang Diyos na si Jehova ng Israel,
makita ang “Guro” ng mga Hudyo,
makita ang pinakahihintay na Mesiyas,
at makita ang buong anyo Ko,
Siya na inusig ng mga hari
sa lahat ng kapanahunan.
Gagawa Ako sa buong sansinukob
at magsasagawa Ako ng dakilang gawain,
ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian
at ang lahat ng Aking gawa sa tao
sa mga huling araw,
at ibinubunyag
ang Aking buong maluwalhating mukha
sa mga naghintay nang maraming taon
para sa Akin,
sa mga nanabik na pumarito Ako
sakay ng puting ulap,
sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita,
at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin,
para malaman ng lahat
na matagal ko nang kinuha
ang Aking kaluwalhatian
at dinala ito sa Silangan,
at wala na ito sa Judea,
sapagkat sumapit na ang mga huling araw!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob