Ang Tanging Nais ng Diyos sa Lupa


I
Pumaparito ang Diyos sa katawang-tao
sa pagkakataong ito
bilang sagot sa isang paanyaya,
at tuwirang pagtugon sa kalagayan ng tao.
Ibig sabihin, pumaparito Siya
upang tustusan ang tao
ng kanyang mga pangangailangan.
Anuman ang kakayahan ng tao
o naging pagpapalaki sa kanya,
bibigyang-kakayahan Niya siya,
sa madaling sabi, na makita niya
ang salita ng Diyos at,
mula sa Kanyang salita,
makita niya ang pag-iral at pagpapakita ng Diyos
at tanggapin niya ang
pagpeperpekto ng Diyos sa kanya,
na binabago ang mga kaisipan
at kuru-kuro ng tao
upang matatag na mag-ugat
ang orihinal na mukha ng Diyos
sa kaibuturan ng puso ng tao.
Ito lamang ang nais ng Diyos sa lupa.
II
Gaano man kalaki ang likas na pagkatao ng tao,
o gaano man di-kabuti ang diwa ng tao,
o kung ano talaga ang
pag-uugali ng tao noong araw,
hindi pinapansin ng Diyos ang mga ito.
Inaasahan lamang Niya
na ganap na panibaguhin ng tao
ang larawan ng Diyos
na nasa kaibuturan ng kanyang puso
at malaman ang diwa ng sangkatauhan,
sa gayon ay mabago ang
ideolohikal na pananaw ng tao,
at para manabik ang tao sa Diyos
sa kanyang kaibuturan
at magising sa
walang-hanggang pagkagiliw sa Kanya:
Ito ang kaisa-isang hinihiling ng Diyos sa tao.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)