Ang Tinig ng Diyos ay Naririnig ng Kanyang mga Tupa
I
Magwawakas ang mga araw;
mauuwi sa wala ang lahat ng bagay
sa mundong ito,
at isisilang na muli ang lahat ng bagay.
Tandaan ito! Huwag itong kalimutan!
Hindi ka maaaring maging pabaya
tungkol dito.
Ang langit at lupa ay lilipas,
datapuwa’t ang Aking mga salita
ay hindi lilipas!
Muli Ko kayong pinapayuhan:
Huwag tumakbo nang walang kabuluhan!
Gising! Magbalik-loob,
at malapit na ang pampang!
Nagpakita na Ako sa gitna ninyo,
at ang Aking tinig ay lumitaw na.
Lumitaw na ang Aking tinig sa inyong harapan;
humaharap ito sa inyo nang araw-araw,
nang harap-harapan,
at sariwa at bago ito bawat araw.
Nakikita mo Ako at nakikita kita;
Ako ay palaging nagsasalita sa iyo,
at tayo’y magkaharap,
at tayo’y magkaharap.
II
Pero tinatanggihan mo Ako
at hindi mo Ako kilala.
Ang Aking mga tupa
ay nakakarinig ng Aking tinig,
at gayunpaman, nag-aatubili ka pa rin!
Kumapal ang puso mo,
nabulag na ni Satanas ang iyong mga mata,
at hindi mo nakikita
ang Aking maluwalhating mukha—
nakakaawa ka! Nakakaawa!
Naipadala na ang pitong Espiritu
sa harapan ng Aking luklukan
sa lahat ng sulok ng daigdig
at ipadadala Ko ang Aking Sugo
upang magsalita sa mga iglesia.
Matuwid Ako at tapat;
Ako ang Diyos na nagsisiyasat
sa pinakamalalim na bahagi ng puso ng tao.
Nagsasalita ang Banal na Espiritu
sa mga iglesia,
lahat ng may pandinig ay dapat makinig!
Lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap!
Kainin at inumin lamang
ang Kanyang mga salita,
at huwag magduda.
Ang lahat ng nagpapasakop at tumatalima
sa Aking mga salita
ay tatanggap ng mga malalaking pagpapala!
III
Ang lahat ng mga taimtim
na naghahanap sa Aking mukha,
ay tiyak na magkakaroon ng bagong liwanag,
bagong kaliwanagan at pagkaunawa;
magiging sariwa at bago ang lahat.
Lilitaw ang Aking mga salita
sa iyo anumang oras,
at bubuksan ng mga ito
ang mga mata ng iyong espiritu
para makita mo ang lahat ng hiwaga
ng espirituwal na dako
at makita na ang kaharian ay nasa gitna ng tao.
Pumasok sa kanlungan,
at mapapasaiyo ang lahat
ng biyaya’t pagpapala;
hindi ka magagalaw ng taggutom at salot,
at hindi ka masasaktan ng mga lobo,
ahas, tigre at leopardo.
Ikaw ay tatahak at maglalakad kasama Ko,
at papasok ng kaluwalhatian kasama Ko!
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15
