Ang mga Nagtatakwil kay Cristo ng mga Huling Araw ay Ikinaklasipika bilang mga Naglalapastangan sa Banal na Espiritu


I
Kaya mo bang mahiwatigan
ang daan ng katotohanan?
Talaga bang magagarantiyahan mo
na hindi mo lalabanan si Cristo?
Magagawa mo bang sundan
ang gawain ng Banal na Espiritu?
Yaong mga hindi nakakilala sa Mesiyas
ay maaaring kalabanin, tanggihan,
at siraan si Jesus.
Lahat ng taong hindi nakakaunawa kay Jesus
ay kaya Siyang tanggihan at laitin,
at ituring ang Kanyang pagbabalik
bilang panlilinlang ni Satanas,
at mas maraming tao ang kokondena kay Jesus
na nagbalik sa katawang-tao.
Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito?
Ang kinakaharap ninyo ay magiging
kalapastanganan sa Banal na Espiritu,
pagwasak ng mga salita
ng Banal na Espiritu sa mga iglesia,
at pagtanggi sa lahat
ng ipinapahayag ni Jesus.
Ano ang makakamit ninyo kay Jesus
kung malabo ang inyong pag-iisip?
Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus
kapag bumalik Siya sa katawang-tao
sakay ng puting ulap,
kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin
ang inyong mga pagkakamali?
II
Ang mga taong hindi tumatanggap
sa katotohanan,
subalit pikit-matang naghihintay
sa pagdating ni Jesus sakay ng puting mga ulap,
ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu,
at sila ang kategoryang pupuksain.
Hinahangad lamang ninyo
ang biyaya ni Jesus,
at nais lamang ninyong tamasahin
ang napakaligayang dako ng langit.
Ngunit hindi pa ninyo kailanman nasunod
ang mga salitang sinambit ni Jesus,
at hindi pa ninyo kailanman natanggap
ang katotohanang ipinahayag ni Jesus
nang bumalik Siya sa katawang-tao.
Ano ang panghahawakan ninyo
bilang kapalit
ng katunayan ng pagbalik ni Jesus
sakay ng puting ulap?
Ang sinseridad ba ng paulit-ulit ninyong
pagkakasala,
at pagkatapos
ay magtapat din nang paulit-ulit?
Ano ang isasakripisyo ninyo kay Jesus
na nagbabalik sakay ng puting ulap?
Ang maraming taon ba ng paggawa
kung saan itinataas ninyo ang inyong sarili?
Ano ang panghahawakan ninyo
para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus?
Ang inyo bang mayabang na kalikasan,
na hindi nagpapasakop
sa anumang katotohanan?

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa