Nakita Ko ang Pagmamahal ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol
I
O Diyos! Bagaman nakapagtiis ako
ng daan-daang mga pagsubok at kapighatian,
at nakaranas pang mabingit sa kamatayan,
natulutan ako ng mga ito
na tunay Kang makilala
at magtamo ng pinakamataas na kaligtasan.
Kung ang Iyong pagkastigo, paghatol
at pagdisiplina ay lilisan mula sa akin,
kung gayon ay mabubuhay ako sa kadiliman,
sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas.
Ano nga ba ang mga
pakinabang ng laman ng tao?
Ano nga ba ang mga
pakinabang ng laman ng tao?
Kung ang Iyong pagkastigo’t paghatol
ay aalis sa akin,
ito ay waring ang Iyong Espiritu
ay nagtakwil sa akin,
at ito ay magiging waring Ikaw
ay hindi ko na kasama.
Kung magkagayon nga,
paano ako magpapatuloy na mabuhay?
At ito ay magiging waring Ikaw
ay hindi ko na kasama.
Kung magkagayon nga,
paano ako magpapatuloy na mabuhay?
II
Binigyan Mo ‘ko ng karamdaman
at kinuha Mo ang kalayaan ko,
nagawa kong patuloy na mamuhay,
ngunit kung sakaling lilisanin ako
ng Iyong pagkastigo at paghatol,
mawawalan ako ng daan
upang patuloy na mabuhay.
Kung wala ang Iyong pagkastigo
at paghatol sa akin,
mawawala na sa akin ang Iyong pagmamahal.
Kay lalim ng pagmamahal Mo sa akin,
hindi ko ito mailarawan.
Kung wala ang Iyong pagmamahal,
ako ay mabubuhay
sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas,
at hindi na makikita
ang Iyong maluwalhating mukha.
Paano ako makakapagpatuloy na mabuhay?
Halos hindi ako makakapagpatuloy
sa gayong kadiliman, sa gayong buhay.
Ang makasama Kita
ay tulad ng namamasdan Kita,
kaya paano Kita maiiwan?
III
Nagsusumamo ako sa Iyo
nang napakasinsero, nagmamakaawa ako
na ‘wag Mong kunin mula sa akin
ang pinakamalaki kong kaaliwan,
kahit na iilan lang ito
sa Iyong mga nakakaginhawang salita.
Natamasa ko ang Iyong pagmamahal,
at ngayon ay hindi ako puwedeng
mawalay sa Iyo;
paano na hindi Kita maiibig?
Paano na hindi Kita maiibig?
Marami akong itinangis
na mga luha ng kalungkutan
dahil sa Iyong pagmamahal,
subalit lagi kong nararamdaman
na ang ganitong buhay ay higit na makabuluhan,
mas kaya akong pagyamanin,
mas kaya akong baguhin,
at higit akong tinutulutang makamit
ang katotohanang taglay dapat ng mga nilikha.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol
