Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao’y Diyos Mismo


I
Nang ang pagka-Diyos ng Diyos
ay naisakatuparan
sa isang karaniwang katawang-tao
na maaaring makita at mahawakan ng mga tao,
hindi na nila naramdaman na
Siya ay aandap-andap sa kanilang paningin
o na hindi sila makalalapit sa Kanya.
Sa kabaligtaran,
masusubukan nilang maintindihan
ang mga layunin ng Diyos
o maunawaan ang Kanyang pagka-Diyos
sa pamamagitan ng bawat pagkilos,
sa pamamagitan ng mga salita,
at sa pamamagitan ng gawain ng Anak ng tao.
Ipinahayag ng nagkatawang-taong Anak ng tao
ang pagka-Diyos ng Diyos
sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao
at ipinarating ang mga layunin
ng Diyos sa sangkatauhan.
At sa pamamagitan ng Kanyang pagpapahayag
sa mga layunin at disposisyon ng Diyos,
ibinunyag din Niya sa mga tao
ang Diyos na hindi nakikita o nahahawakan
na nananahan sa espirituwal na mundo.
Ang nakita ng mga tao
ay ang Diyos Mismo sa anyong nahahawakan,
na gawa sa laman at dugo.
Kaya ginawa ng nagkatawang-taong Anak ng tao
ang mga bagay tulad ng pagkakakilanlan
ng Diyos Mismo,
katayuan, imahe, disposisyon ng Diyos,
at ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya,
na kongkreto at nagawang makatao.
Hindi natin maitatanggi na kinatawan
ng Anak ng tao ang pagkakakilanlan
at katayuan ng Diyos Mismo,
kapwa sa anyo ng Kanyang pagkatao
at sa Kanyang pagka-Diyos.
II
Sa panahong ito, gayunpaman,
gumawa ang Diyos
sa pamamagitan ng katawang-tao,
nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao,
at tumayo sa harapan ng sangkatauhan
nang may pagkakakilanlan
at katayuan ng Anak ng tao.
Ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao
na makaharap at maranasan
ang mga praktikal na salita
at gawain ng Diyos sa sangkatauhan.
Pinahintulutan din nito
ang kabatiran ng mga tao
sa Kanyang pagka-Diyos
at ang Kanyang kadakilaan
sa gitna ng pagpapakumbaba,
gayundin ang magkamit ng
isang paunang pagkaunawa at pakahulugan
sa pagiging-tunay at
pagiging praktikal ng Diyos.
Sa anumang anyo nagpapakita ang Diyos,
sa alinmang pananaw Siya nagsasalita,
o sa anumang imahe Niya
hinaharap ang sangkatauhan,
walang ibang kinakatawan
ang Diyos kundi Siya Mismo.
Hindi Siya maaaring kumatawan
sa sinumang tao,
ni sa sinuman sa tiwaling sangkatauhan.
Ang Diyos ay ang Diyos Mismo,
at hindi ito maitatanggi.

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III