Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay
I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
ginagamit ng Diyos ang salita
upang pasimulan ang bagong kapanahunan,
baguhin ang paraan ng Kanyang paggawa,
at gawin ang gawain ng buong kapanahunan.
Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos
sa paggawa sa Kapanahunan ng Salita.
Siya ay nagkatawang tao para magsalita
mula sa iba’t ibang pananaw,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos,
na Siyang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
at mamasdan ang Kanyang karunungan
at pagiging kamangha-mangha.
Ang gayong gawain ay ginagawa
upang mas makamit
ang mga layunin ng paglupig sa tao,
paggawang perpekto sa tao,
at pagtitiwalag sa tao,
na siyang tunay na kahulugan
ng paggamit ng mga salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita.
II
Sa pamamagitan ng mga salitang ito,
nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos,
ang disposisyon ng Diyos,
ang diwa ng tao,
at kung ano ang nararapat pasukin ng tao.
Sa pamamagitan ng mga salita,
ang kabuuan ng gawaing nais gawin ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad.
Sa pamamagitan ng mga salitang ito,
ang mga tao ay ibinubunyag,
itinitiwalag, at sinusubukan.
Nakita na ng mga tao ang mga salita ng Diyos,
narinig na ang mga salitang ito,
at kinilala ang pag-iral ng mga salitang ito.
Dahil dito, naniwala na sila
sa pag-iral ng Diyos,
sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat
at karunungan ng Diyos,
gayundin sa pagmamahal ng Diyos sa tao
at sa Kanyang hangaring iligtas ang tao.
Ang salitang “mga salita”
ay maaaring simple at ordinaryo,
ngunit ang mga salitang sinambit
mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao
ay niyayanig ang sansinukob,
binabago ng mga ito ang puso ng mga tao,
binabago ang kanilang mga kuru-kuro
at dating disposisyon,
at binabago ang dating anyo ng buong mundo.
III
Sa pagdaan ng mga kapanahunan,
tanging ang Diyos ng kasalukuyan
ang gumawa sa ganitong paraan,
at Siya lamang ang nangungusap nang gayon
at pumaparito
upang iligtas ang tao nang gayon.
Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao
sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos,
na pinapastol at tinutustusan
ng Kanyang mga salita.
Nabubuhay ang mga tao
sa mundo ng mga salita ng Diyos,
sa gitna ng mga sumpa
at pagpapala ng mga salita ng Diyos,
at mas marami pang taong nabuhay
sa ilalim ng paghatol
at pagkastigo ng Kanyang mga salita.
Ang mga salita at gawaing ito
ay para lahat sa kaligtasan ng tao,
para matupad ang kalooban ng Diyos,
at para mabago ang orihinal na anyo
ng mundo ng dating paglikha.
Nilikha ng Diyos ang mundo
gamit ang mga salita,
ginagabayan Niya ang mga tao
sa buong sansinukob gamit ang mga salita,
at nilulupig at inililigtas Niya sila
gamit ang mga salita.
Sa huli, gagamitin Niya ang mga salita
upang wakasan ang buong dating mundo,
sa gayon ay makumpleto ang kabuuan
ng Kanyang plano ng pamamahala.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
